Kwentong
katatakutan ng magbabarkada
Sa kabila ng moderno at makabagong teknolohiya ng ating panahon, may ilang bagay parin sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagamat sabi ng iba ito ay hamak na kathang isip lamang ng tao ngunit marami na sa atin ang nakapagbigay ng patunay ayon sa kanilang mga karanasan.
By: Romeo Talde II
Sa kabila ng moderno at makabagong teknolohiya ng ating panahon, may ilang bagay parin sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagamat sabi ng iba ito ay hamak na kathang isip lamang ng tao ngunit marami na sa atin ang nakapagbigay ng patunay ayon sa kanilang mga karanasan.
Ang aking iki-kwento sainyo ngayon ay tungkol sa aking karanasan noon
ako’y 12 anyos pa lamang. Noon pa ma’y mahilig na talaga ako sa mga kwentong
katatakutan. Ewan ko ba kung ba’t yan ang nakahiligan ko. Siguro ay dahil nagbibigay
ito sa akin ng “thrill” alam nyo yun yung naeexcite ka na may halong curiousity
sa iyong utak. Yun na nga, nasa ika-anim na baitang na ako ng elementary at
kaming magbabarkada ay nakakahiligan na naming magkwentuhan sa loob ng klase
ng mga kwentong katatakutan kapag hindi
pa dumarating ang guro. Si John at si Rey sila ang aking matalik na kaibigan at
talagang malalim na ang aming samahan. Sa katunayan parang magkakapatid na ang aming
turingan. Alas 3:00 ng hapon noon ika-22 ng Oktubre, bagamat hindi pa
dumarating ang guro namin sa math ay naisipan naming magbahagi ng aming mga
nakakatakot na kuwento total malapit na rin naman ang araw ng mga patay. Una si
John, ikinwento niya sa amin ang tungkol sa animo’y aswang sa kanilang baryo.
Usap-usapan sa kanilang baryo ang tungkol sa isang aswang na kanyang
pinangalanang “Jessa”. Marami raw sa kanilang lugar ang nakasaksi sa
pagbabagong anyo nitong si Jessa sa tuwing kumakagat ang dilim. Anim na tao na
raw ang nabiktima nito kabilang na ang dalawang sanggol. Ang mga bangkay ng mga
nabiktima ay nakakagimbal sapagkat masasabing hindi tao ang may gawa. Ito’y
natatagpuang gutay-gutay ang mga katawan at ang iba naman ay nawawala ang puso.
Isang araw may mag-asawa sa kanilang lugar na nakatira sa pinakaliblib na bahagi
ng kanilang baryo. Habang tahimik na nakaupo ang mag-asawa sa kanilang
balkunahe, may napansin ang asawang lalake, isang hagushos na para bang
nanggagaling sa bubong ng kanilang bahay. Agad itong tiningnan ng lalake at
laking gulat niya ng nakita niya ang isang nilalang at na may malalapad na
pakpak at wala itong paa! Ahhh! Sigaw ng lalake habang dali-daling pumasok sa
kanilang bahay. Pinatago nito sa ilalim ng kama ang asawa nitong buntis at
tinungo ng lalake ang kanilang kusina. Kinuha nito ang lalagyan ng asin at
lakas loob nitong isinaboy sa aswang. Swerte nila at takot pala ang aswang sa
asin. Iiiiiaaaak! Agad itong lumipad papalayo sa kanilang kinaruruonan. Simula
noon ay lumipat na ang magasawa ng tirahan at siniguro nilang sila’y magiging
handa sa pagbabalik nitong aswang.
Matapos magkuwento ni John ay nakuha kung
magbiro dahil nahalata ko ang katabi kong si Rey na masyadong seryoso ang
mukha. “Sexy ba yung aswang”? patanong kung sabi.”loko-loko”! wala ngang
katawan diba? Halakhak ni John. Sumunod namang nagkuwento ay itong si Rey.
Humanda raw kami dahil talagang nakakatakot ang kanyang kwento. Nangyari daw
ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang buhay noong 8 taong gulang pa lamang
siya. Noong bata pa raw siya ay hindi raw likas sa kanya ang pagiging
matatakutin. Isang gabi habang abala si Rey at ang kanyang mga pinsan sa panood
ng t.v. inutusan siya ng kanyang nanay
na bumili ng chicheria sa tindaha upang may makain raw sila ng kanyang mga
pinsan habang nanonood ng t.v.. Pasado alas 10:00 pm ng gabi na noon kaya medyo
madilim na ang paligid sa labas ngunit dahil nga hindi naman siya matatakutin
at malapit lang naman ang tindahan ay pumayag siya. Di kalaunay lumabas na siya
ng bahay at habang naglalakad siya papunta sa tindahan ay napansin niyang
tahimik ang paligid. Pagkatapos niyang makabili ng pagkain ay naglakad na siya
pauwi ng bahay. Nang siya’y malapit nang makauwi ay napansin niya ang isang
sulok na kanilang bahay kung saan naroon ang kanilang bakuran. Madilim doon at
puno ito ng pananim. Laking gulat niya nang tumingala siya sa isang puno ng
saging. Nakita niya ang isang bata at itoy nakangiti sa kanya. Hindi niya
masyadong maaninag ang buong itsura nito dahil nga sa madilim roon. Nagtataka
siya kung pano napunta roon ang isang bata kung gayong hindi basta-basta kaya
akyatin ng tao ang puno ng saging.
Nangilabot siya at para bang nabalutan ng yelo ang kanyang katawan.
Hindi nya maipaliwanag kung bat hindi siya makagalaw na kahit anong pilit nyang
igalaw ang mga paa ay hindi nya magawa. Hindi rin sya makasigaw kaya ang
tanging ginawa nya na lamang ay pumikit at mag-dasal. Maya-maya ay dumilat siya
at nawala na ang batang kani-kanina lang ay nakangiti sa kanya. Kumaripas sya
ng takbo papasok sa kanilang bahay. Gulat na gulat ang kanyang ina at mga
pinsan sa naging katayuan niya. Yinakap niya ang kanyang ina at ikinuwento ang
kanyang naging karanasan. “Nakakatakot naman yan Rey” takot na sabi ni John.
Matapos ay ako na ang sumunod na nagkuwento. Ang aking kwento ay nangyari noong
10 anyos pa lamang ako. Noong maga panahong iyon ay kasa-kasama ko pa sa bahay
ang aking dalawang pinsan dahil sa magkakalapit pa noon ang aming mga bahay.
Ang saya-saya naming palagi sa aming bahay dahil lage kaming magkakasama
amglaro, kumain at kung anu-ano pa. Isang gabi pasado alas 10:00 pm, tulog na
ang aking parents at kami nalang ng magpipinsa ko ang gising. Dito sila minsan
natutulog at pinapayagan naman sila ng kailang magulang. Nagpagpasyahan naming
manood muna ng t.v. bago matulog. Kumuha kami ng mga pagkain at maiiinum para
may pagkakaabalahan kami habang nanonood. Sumunod ay binuksa ko ang t.v. at dvd
at isinalang ko ang paborito kung pelikula ang “Sherlock Holmes”, bago itong
movie noon kaya exciting. Habang nanonood ay bigla akong nakaramdam ng pagkaihi
kaya nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko na iihi lang saglit. Lumabas ako ng
bahay at pumunta ako sa aming bakuran. Doon ako pumwesto sa pinakudulo ng
bakuran. Mula roon makikita mo ang nakakatakot na narrow figure ng kalsada.
Tahimik roon at wala ng taong umaaligid. Maya-maya pagkatapos ko ay naglakad na
ako pabalik ng bahay. Sa aking paglalakad may naririnig akong para bang
hagikhik ng isang babae na umiiyak. Lumingon-lingon ako sa paligid.
Sinundan ko kung saan nagmumula ang iyak na iyon. Sa di kalayuan nakita ko ang
isang babaeng nakayakap-tuhod sa isang malaking puno ng acacia. Medyo hindi ko
naaaninag ang kanyang mukha sapagkat medyo madilim ang kanyang pwesto at
natatabunan ng acacia ang liwanag ng street light. Nakasuot ito ng itim na bistida
at wala itong suot na pang paa. Hindi mo masasabing isang pulubi dahil malinis
siya tingnan. Agad-agad ay lakas loob akong lumapit sa babae. “Miss bakit po
kayo umiiyak” tanong ko. Tuloy parin sa pag iyak ang babae. “Miss!?? Ok ka lang
ba? Pag aalala ko kuno. Unti-unti ay umaangat ang ulo ng babae at sa aking di
inaasahan na pangyayari ay nanlilisik ang mga mata nito sa akin! Hindi ko
malama kung sisigaw ba ako o tatakbo. Hindi ko mabuka ang bibig ko at para bang
nakadikit ag maga paa kosa lupa. Ang mga mata nya ay halos kulay puti at ang ang kanyang luha ay dugo!! Bigla itong nagsalita “Ba’t muko pinabayaan?? Bakit?
Bakit? Hinawakan ako nito sa paa. Nanlamig ang aking buong katawan at sobrang
takot at pangingilabot ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. Ang tanging
ginawa ko na lamang ay ang ipikit ang aking mga mata at nagdasal sa Diyos. “Ama
ko, tulungan niyo ko”. Ilang sandali pa naramdaman ko na wala nang nakahawak sa aking mga paa at
pagmulat ko wala na ang babae. Kumaripas ako ng takbo pauwi sa aming bahay at
pagdating ko gulat na gulat ang mga pinsan ko. Bat raw ako humihingal? Di ko na
sinabi sa kanila ang nangyari dahil di rin nama sila maniniwala. Pagkatapos ng insidenteng yun ay mas lumakas pa ang pananalig ko sa Diyos na alam kong siya
lamang nag maaaring magligtas sa ating lahat. Maraming pong salamat sa pagbasa.
Mag ingat ang lahat J